Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vargas handa na sa Kongreso

0 108

Kahit nakatanggap siya ng death threat ilang araw lang ang nakararaan, sinabi ni Konsehal PM Vargas na handa niyang harapin ang mga hamon ng Kongreso at kumpyansa siya na ang kanyang naging karanasan sa Konseho ng Quezon City ang isa sa mga rason dito.

Sinabi ni Vargas na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa mga LGU upang matugunan nito ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Magsusulong din siya ng mga batas na magpapataas ng sweldo ng mga health workers at pag taas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pang publikong ospital. “Kailangan tayo mag focus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating frontliners upang maka ahon tayo ng sabay sabay! So importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services!” ani nito.

Chief of Staff si PM Vargas sa opisina ng kanyang nakatatandang kapatid na si Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino kaya alam na ng Konsehal ang mga regulasyonl sa pagikha at pagpasa ng mga batas.

Sa napipintong pagpasok ni Vargas sa Kongreso, handa siyang makilahok sa mga usapin sa mga komite niyang magiging assignments. Ang importante ay may synergy at pagkakaisang isip at puso para sa kapakanan ng mamayan. “Given a chance to lead a committee, i will make sure that the legislation will always be pro people!- ani Vargas.

Sa pamamagitan ni PM Vargas, naitala na 272,388 ang nakatanggap ng covid relief, lagpas 400,000 ang naging feeding beneficiaries sa Distrito, 21,335 ang natulungan sa livelihood programs, 18,124 ang naaksyunan sa pang medical na pangangailan at nalagyan ng libreng wifi ang 14 barangay halls nung panahon ng pandemya.

Si Vargas ang kasalukuyang nangunguna sa labanan sa District 5 ng Quezon City at nakatanggap na ito ng endorsements mula sa lahat ng sektor sa Distrito, kasama ang importanteng basbas ng Iglesia ni Kristo. Ang mga kalaban niya ay sina dating Congresswoman Annie Susano, Cathy Inday Esplana at Rose Nono Lin ng Pharmally na humaharap sa mga kaso sa Comelec.

Kumpyansa si Vargas sa suporta ng kanyang mgaka-Distrito na siya umanong maghahatid sa kanya sa Kongreso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.