Una sa Balita

Vaness, kinamumuhian! Entertainment press, ­dinidedma!

By
0 155

Kinaiinisan na si ­Vaness del Moral ­dahil sa karakter niya sa Encantadia. Kontrabida at numero uno na sinungaling si Va­ness bilang Gurna, ang ta­gapag-alaga at nagdadala ng mga ma­ling balita kay Pirena (Glaiza de ­Castro) kaya lalong ­naging masama ang ugali nito.

Nadaragdagan na ang mga nagagalit kay Vaness dahil effective ito na kon­trabida kaya natatakot na raw siya na lumabas ng bahay.

Sariling desisyon ni Vaness na limitahan ang paglabas ng bahay mula nang mag-umpisa ang Encantadia dahil hindi niya alam ang magiging reaksyon o gagawin kung sakali na komprontahin siya ng fans na nagagalit sa kanya.

Kahit marami na ang nabubuwisit sa karakter niya sa Encantadia, nagpapasa­lamat si Vaness dahil napapansin ng televiewers ang convin­cing performance.

Bukod sa isyu ng pagiging effective na kontrabida sa Encantadia, pinararata­ngan si Vaness na may amnesia dahil kahit paulit-ulit na interbyuhin ng entertainment press, mahina ang memory niya.

Parang walang naki­kita si Vaness sa tuwing nakakasalubong ang showbiz press na nagtitiyaga na pakinggan ang mga hinaing niya sa buhay, sa ngalan ng kanilang propesyon.

Hero’s welcome kay Hidilyn Diaz!

hidilyn-diaz-rio-olympics-silvermedal
Hidilyn Diaz

Isang hero’s welcome ang inihahanda sa pag-uwi ni Hidilyn Diaz, ang kababayan natin na nagwagi ng silver medal sa women’s weightlifting category ng 2016 Rio Olympics.

Nang manalo si Diaz sa Summer Games sa Rio de Janeiro, Brazil, agad na nag-file ng resolution sa kongreso si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas bilang pagkilala sa husay at  kara­ngalan na ibinigay sa Pilipinas ng 25 years-old Zamboangeña.

“This is another triumph for Filipinos around the world.

“Ms. Diaz is the first Filipina athlete to earn an Olympic me­dal and the first Filipino to win a medal in the weightlifting competition of the Olympics.”

“Ms. Diaz’ feat embodies the hard work, strength, and resilience of the Filipino people. She brought honor, pride and inspiration to our countrymen and is truly worth of praise and emulation, especially among the youth,” ang nakasaad sa House Resolution 158 at pagpupugay ni Alfred kay ­Hidilyn.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy