Una sa Balita

Vaness del Moral super fierce sa red and black wedding gown

By
0 3,851

Ikinasal si Vaness del Moral sa Baguio City. Talagang all-eyes ang mga guest kay Vaness sa kanyang kasal dahil literal na head-turner ang kanyang red and black wedding gown.

Hindi sumabay sa tradisyon ang Kapuso star na kulay puti ang wedding gown dahil isang mahabang black coat na may feathers sa balikat ang nakapatong sa kanyang red gown.

Isa itong Albert Andrada creation na pinuno pa ng mga Swarovski crystals, kaya naman lumutang sa katauhan ni Vaness ang imahe niyang fierce na character actress!

Abante Hiring – IT dep

Very intimate ang wedding nila ng non-showbiz hubby na si Matt Kier na mas lalong pinakilig ng malamig panahon sa Baguio. Base sa mga litrato nila online, nag-uumapaw ang pagmamahal nila sa isa’t isa kaya naman congratulations to the newly-weds! (Joe Barrameda)