Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Van yumugyog: Kapitan, dyowa huling nagsi-sex

0 1,278

Sinampahan na ng kasong kriminal ang isang incumbent Barangay Captain at ang babaeng ka-sex nito ng kasong grave scandal matapos mahuli sa akto ng awtoridad na walang saplot na nagtatalik sa loob ng sasakyan sa Malolos City, Bulacan kamakalawa..

Sa report ng Malolos City police, nakilala ang nadakip na sina Emmanuel Galang, 38, Barangay Captain ng Barangay Malumot, Paombong, Bulacan at Diana Enriquez, 26, tubong Marilao at nakatira sa Barangay Bulihan, Malolos City na kapwa nakakulong.

Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng gabi noong Lunes nang madakip ang dalawa nang mapansin ng awtoridad na yumuyugyog ang Toyota Hi Ace Van na may plakang AAB-4971 habang naka-park sa bisinidad ng Malolos City Hall and Police Station Ground.

Paglapit ng awtoridad at ilawan ng flashlight ay nahuli nila sa akto ang opisyal at lover nito na kapwa walang saplot sa katawan at nagtatalik kaya kaagad silang inaresto. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.