Una sa Balita

Van vs truck: 3 patay, 6 sugatan

0 256

NASAWI ang tatlong pasahero ng isang van habang anim pa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng nabatid na sasakyan at kasalubong na truck sa Bonifacio, Misamis Oriental.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gerlie Abing, Marlon Benitez, 26, at Daylinda Lapinig.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng national highway ng Sitio Dupol, Brgy. Bagumbang, alas-11:55 ng umaga.

Sa imbestigasyon bumabagtas sa nasabing­ lugar ang pampasa­herong Toyota Hi-Ace van, na minamaneho ni Cris Brilllo, 33, at mayroong 18 pasahero patungo ng Ozamiz City nang masalpok ang kanyang sasakyan ng cargo truck na minamaneho ni Erick Conja, 35, na patungo sana ng bayan ng Bonifacio.

Nag-overtake diumano ang cargo truck sa motorsiklo na dahilan sa bilis ng takbo ay nabangga naman ang kasalubong na van.

Mahaharap si Conja sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injury. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More