Una sa Balita

Van sumalpok sa puno; 3 patay, 10 sugatan

0 379

PATAY ang tatlong call center agent habang sugatan naman ang sampung iba pa matapos na mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang van bago sumalpok sa puno sa palusong na bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Mambajao sa lalawigan ng Camiguin kamakalawa nang hapon.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang nakilalang sina Julie Ann Mae Olive, Jovert de Asis, at Ian Jumahalili, habang sugatan ang iba nilang kasama na sina Eric Opao, Jeffry Golingay, Ernesto Ong, Rose Ann Balaba, Jeffrey Dismas, Peter Anthony Cantila, Glyn Ann Sabacan, Jenny Vic Morensillo, Rustom Porosuelo, at isang 4-anyos na bata na anak ng isa sa mga sugatan.

Nabatid na ang mga ito ay pawang empleyado ng IBEX Global Davao, isang call center company.

Samantala kasalukuyang nakakulong sa Mambajao Municipal Police Station (MPS) ang drayber ng nadisgrasyang van na si Joy Sobremisana

Ayon kay Camiguin Provincial Police Commander Police Colonel Roy Bahian, naganap ang insidente dakong alas-4:45 nang hapon sa palusong na kurbada sa mabundok na bahagi ng Sitio Quepasa, Brgy. Poblacion ng nabatid na bayan.

Nauna dito dumating sa lugar ang mga biktima sa kamakalawa ng umaga mula sa Davao para sa isang team building at tumuloy sa Saay Cold Spring sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Napagalaman na matapos ang sandaling pahinga ay nagkayayaang lumibot ang grupo sa lugar at sakay ng Toyota Hi-ace van na may plakang PYQ 248 ay gumala ang mga ito patungo sa sentro ng ba-yan ng Mambajao subalit pagsapit sa palusong na bahagi ng Sitio Quepasa ng nabatid na barangay ay nawalan umano ng preno ang van dahilan upang magtuloy-tuloy ang sasakyan sa palusong na kalsada bago malakas na bumangga sa puno ng niyog.

Dahil sa lakas ng impact na pagbangga ay dead on the spot ang tatlong sakay ng van na sina Olive, De Asis at Jumahalili habang sugatan naman ang 10 iba pa na sakay nito na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy