Una sa Balita

Van nawalan ng preno, bumaliktad: P1M itlog nasayang

0 369

AABOT sa P1 milyong halaga ng itlog ang nabasag matapos bumaliktad ang wing van na magde-deliver sana nito, sa national highway ng Brgy. Calumbuyan, Balaoan, La Union Martes nang umaga.

Ayon kay P/Cpl. Oseph Casem, ng Balaoan Police Station, patungo umano ang van sa Vigan City, Ilocos Sur na minamaneho ni Christopher Lumibao.

Base sa imbestigasyon, nag-overtake umano si Lumibao sa isang sasakyan pero hindi umano nito nabatid na may biglang humintong tricycle sa una-han nito kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumaliktad sa kalsada.

Dahil sa pagtaob ng van, nabasag ang mga karga nitong itlog at halos wala umanong natira.

Nagsikip naman ang daloy ng trapiko dahil sa pangyayari at sa pagkuha rin umano ng ilang residente sa mga puwede pang pakinabangan mga itlog. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy