Una sa Balita

Van nahulog sa Mt. Pulag, sakay na mga turista nakaligtas

0 475

NAKALIGTAS ang mga turista na sakay ng isang van na nahulog sa gilid ng Mt. Pulag sa bayan ng Bokod, Benguet noong Linggo.

Samantala, ayon sa Bokod Bureau of Fire Protection (BBFP) nagkaroon ng sugat sa ulo ang driver ng van at dinala sa Baguio General Hospital (BGH).

Sa imbestigasyon, sinabi ni BBFP FO2 Jason Banda-ay, sakay ng van ang mga turistang Pilipino pababa ng bundok galing sa Ranger Station ng Mt. Pulag at binabaybay ang Bokod-Kabayan Road nang big­lang mawalan ng preno ang van.

Ani Banda-ay, nagawa pa raw pababain ng dri­ver ng van ang mga pasa­hero niya nang maramdamang nagloloko ang preno ng kanyang puting 2006 Hi-Ace Toyota Van.

Dito, nagtuloy-tuloy sa gilid ng bundok at tuluyang tumagilid sa magubat na bahagi ng Mt. Pulag. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy