Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Van nahulog sa bangin, abogada ng COA dedo, 13 sugatan

0 108

Patay ang abogado ng Commisison on Audit (COA) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang 13 iba pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin na may lalim na 20 metro ang sinasakyan nilang van kamakalawa ng gabi sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Atty. Minerva Sacar-Guiling ng COA-BARMM. Sugatan naman ang 13 iba pa na kinabibilangan ng 12 miyembro ng Bureau of Fire Protection – BARRM, at isa pang empleyado ng COA.

Sa ulat ni Police Major Brian Esipnoza, hepe ng Alamada Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente pasado alas 6:00 ng gabi sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Barangiran ng nabatid na bayan.

Lulan ng van ng BFP-BARMM galing ng Wao, Lanao Del Sur at pauwi na sa Cotabato ang team matapos magsagawa ng Operational Readiness Site Inspection and Troops Evaluation (OSITE).

Pagsapit sa palusong na bahagi ng kalsada ay hindi umano kumagat ang preno ng sasakyan dahilan upang mahulog ito sa may 20 metrong lalim ng bangin.

Mabilis naman ang rescue operation at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima subalit hindi na nailigtas ang abogada habang nagpapagaling naman ang iba nitong kasamahan. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.