Una sa Balita

Van bumulusok sa bangin, driver patay

0 238

TODAS ang isang 35-anyos na lalaki matapos mahulog ang kanyang minamanehong van sa 500 metrong bangin sa Barangay, Tinoc, Ifugao noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Wilson Batang-e, ng Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Tinoc Police Station (TPS), ang biktima ay nagmamaneho papunta sa bayan ng Buguias, Benguet ng aksidenteng mabunggo ang gutter ng Tinoc-Buguias Road na ginagawa dahil sa mga lupang gumuho.

Dahil sa malambot na lupa sanhi ng patuloy na pag-ulan, nahulog umano ang van sa bangin kasama ang biktima.

Hindi umano agad na na-recover ang biktima dahil sa lalim ng bangin.

Paalala ng TPS sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho sa nasabing highway para maiwasan ang anumang aksidente. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy