Una sa Balita

Valenzuela alas ng CCN sa Ronda

By
0 2,243

UMANIB si Irish Valenzuela sa CCN Superteam upang magbakasaling malipat ang titulong hinawakan niya may limang taon na ang nakalipas sa magaganap na 8TH LBC-Ronda Pilipinas 2018.

Magsisimula ang padyakan sa Marso 3 sa Vigan, Ilocos Sur at matatapos sa Marso 18 sa Filinvest, Muntinlupa.

Nagwagi si 30-year-old Valenzuela sa 2013 Ronda, nag-ensayo ng limang buwan upang maibalik ang dating tikas sa nasabing pinakamalaking karera ng bisikleta sa bansa.

Abante Hiring – IT dep

Target ni tubong Tabaco, Albay Valenzue­la na makatulad sina Santy Barnachea ng Team Franzia at Jan Paul Morales ng Phil. Navy-Standard Insu­rance na mga kilalang siklista sa Ronda.

Si Barnachea ang inaugural winner sa 2011 at muling nagwagi noong 2015 habang si Morales ay nanaig sa huling dalawang edition.

“Poklus ulit ako sa Ronda ulit,” wika ni Valenzuela na nakakuha ng spot para sa main race matapos mag qua­lify sa Tarlac City noong Nobyembre.

Makakasama ni Valenzuela sa team sina veteran Warren Davadilla, two-time winner sa Marlboro Tour at Julius Mark Bonzo na ang ama na si Romeo at tito na si Modesto ay mga dating Tour champions.

Ang nasabing event ay ipiprisenta ng LBC at mga suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)