Una sa Balita

Valentine’s Day pinagkakakitaan karne bawal ngayon

By
0 4,577

Happy Valentine’s Day! Sorry na lang, sumabay ito sa Ash Wednesday today kaya sabi nga sa homily ng mga pari last Sunday, bawal ang karne, ke baboy, manok, kambing o baka!

Isa ito sa araw na tinatawag na abstinence at sa mga Katoliko, kailangan ng fasting kahit isang beses ngayong araw sa pagkain, huh!

Kaya tiyak na mahal ang seafood, isda at mga gulay sa restaurants ngayon dahil masama kumain ng karne. Konting tiis dahil sa Friday naman eh, Chinese New Year na kaya puwedeng lantakan ang anumang klase ng karne!

Dito sa atin, pinagkakakitaan talaga ang V-day. Isa sa malakas sa crowd ay ang Valentine shows na walang lugi kadasalan. May V-day show si Ai-Ai delas Alas tonight sa Palacio de Manila kasama si Piolo Pascual.

Maging ang mga resto ngayon ay tiyak na puno ng magdi-date na lovers. Pero ‘wag subukang pumunta sa mga motels dahil siguradong bokya kayo na makakuha ng kuwarto, huh! Na-experience na ‘yon ng ilan naming kakilala kaya either Feb. 13 or 15 sila nagtsi-check in sa motel!

Pero bago mag-dinner at magpakaligaya, panoorin muna sa mga sinehan ang Valentine movie nina Elmo Magalona at Janella Salvador, ang My Fairy Tail Love Story dahil punumpuno ito ng pag-ibig!

Sa premiere night ng pelikula last Monday sa SM Megamall, bouquet of roses ang regalo ni Mo kay Janella with matching kiss sa pisngi, huh! Dumalo sa preem ang friends ni Janella na sina Julia Barretto, Liza Soberano at Darren Espanto. Present din ang tatay ni Kiko Estrada na si Gary, kasama ang asawang si Bernadette Alysson kasama ang tatlo nilang anak na babae.

Bumilib si Gary sa galing ni Kiko sa movie kaya suko siya sa ipinamalas na acting at kaguwapuhan ng panganay, huh!

Pangkalahatan ang Perci Intalan movie, na G ang MTRCB rating at Graded B ng Cinema Evaluation Board.