Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Valentine’s Day pag-asa ng mga flower farmer

0 236

Umaasa ang mga magsasaka ng bulaklak sa La Trinidad, Benguet na makakabawi sila sa nawalang kita dahil sa pandemya, pagsapit ng Valentine’s Day.

Sa panayam ng PNA kay Belmer Elis, barangay chairman ng Bahong, na tinuturing na rose capital ng Pilipinas, umaasa sila na marami ang bibili ng bulaklak para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Aniya, sa bawat pagbili ng local rose o anumang uri ng bulaklak ay makakasagip sa mga magsasaka nito.

Pangunahing producer ng rose sa bansa ang Bahong. Nasa 500 residente sa 8,000 populasyon nito ang mga miyembro ng association of flower growers sa lugar.

Dagdag ng opisyal, ang mga flower farmer ang pinakaapekto sa industriya ng agrikultra dahil simula pa Pebrero 2020 ay bumaba na ang demand sa bulaklak kasunod ng community quarantine.

“Simula pa nung nag-February, tapos nawala na ang nga graduation ceremonies at graduation ball, parties, events kahit mga malalaking kasal, debut at kung anu ano pang event na gumagamit ng maraming flowers na decoration,” ani Elis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.