Una sa Balita

Valeen at Sheena pinag-take-home ng Gucci shoes ni Regine

By
0 4

Nagpaulan ng regalo si Regine Velasquez-Alcasid sa mga co-stars niya sa Poor Señorita nang magkaroon ng cast party sa kanilang bahay. Nagtapos na kasi ang taping ng GMA series ng Asia’s Songbird at nagpahayag din siya ng lungkot sa tweet niya dahil napamahal na sa kanya ang cast lalo na ang mga bagets na lu­mabas na mga ‘anak’ niya.

Bilang pagmamahal,  sinurpresa ni Reg ang ilang stars na sumama sa cast party sa house nila.  Ilan sa nakatanggap ng bonggang gift ay sina Sheena Halili at Valeen Montenegro na kapwa nag-take-home ng Gucci shoes.

Ang mga bagets namang sina Jillian Ward, Migs Cuaderno at iba pa ay umuwi na may dalang Ipad mini.

Sa Instagram post ni Reg na kasama ang cast, staff and crew ng PS, caption niya, “Higit sa lahat ng mabibigay ng mundo kayo ang tunay na kayamanan ko, hinding-hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang ating pagsasamahan. I will miss you. #poorseñorita.”

Hanggang next week pa ang airing ng series ni Regine. Papalitan ito ng Encantadia na balitang sa July 18 premiere.