Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Valdez puputok sa Olympics

0 41

KINUMPIRMA ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkuwalipika ng shooter na si Jayson Valdez bilang ika-12 atleta ng bansa sa nalalapit na Tokyo Olympics, Sabado ng umaga.

Ipinaliwanag ni Tolentino na nakamit ng 24-anyos na si Valdez ang kanyang silya sa men’s air rifle 10-meter event sa pamamagitan ng quota system na sinusunod ng Munich-based International Shooting Sports Federation (ISSF).

“That’s an additional chance for us. Good thing there’s a quota qualifying in shooting, and the better thing, we have a world ranking athlete, also a scholar of the POC,” sabi ni Tolentino sa bagong nadagdag sa pambansang koponan na sasabak sa nausog na Tokyo Olympics na magsisimula eksaktong 33 araw sa capital ng Japan.

Ang pagkuwalipika ni Valdez sa shooting ay pumutol sa dalawang sunod na Olympic na walang representante ang Pilipinas sa sport.

Huling nakapagpaputok sa torneo si Paul Brian Rosario na nakasabak sa men’s skeet bilang wild card entry noong London 2012. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.