Una sa Balita

Valdez pasasabugin si Salas, PetroGazz

0 277

LAGOT KAYO ‘TEH!

SIGURADONG magiging mainit ang hampasan ng bola sa pagtatapat ng reigning champions Creamline Cool Smashers at PetroGazz Angels sa finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference na magsisimula Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Parehas winalis ng dalawang panig ang kanilang mga kalaban sa semifinals na nagtapos nitong Sabado.

Para kay Creamline team captain Alyssa Valdez, excited na itong muling makaharap ang PetroGazz lalo na ang import nitong si Wilma Salas.

“It has been an interesting season but it’s going to be exciting in the finals kasi first time makakalaban ng Creamline ang PetroGazz with one of the best imports na dumating dito sa atin, who is Wilma Salas,” saad ni Valdez.

“We’re all excited to go up against PetroGazz kasi we’re one and one, kumbaga bago dumating sa finals, we’re square,” aniya. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy