Una sa Balita

Valdez, Pablo sa PVL grand fans day

By
0 1,009

INAASAHANG dadagsain ang grand fans day ng Premier Volleyball League bukas (Biyernes) sa Trinoma Activity Center tampok ang walong koponan para sa ikalawang season ng liga.

Kabatak sa event sina Creamline’s Alyssa Valdez, Pocari Sweat-Air Force’s Myla Pablo, PayMaya’s Gretchel Soltones, Tacloban Fightin­g Waray’s Shola Alvarez at Perlas-Banko’s Amy Ahomiro, na sisimulan ala-una ng hapon.

Ito na rin ang tsansa ng mga tagahanga na ma-meet at mabati ang kanilang mga idol at puwede rin makipag-selfie at iba pang mga aktibidad at mga palaro.

Sisiklab ang season-opening ng PVL Reinforced Conference sa Mayo 6 sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
“We invite our fans to come because they will get to see their favo­rite players and teams,” ani Ricky Palou, ang presidente ng organizing Sports Vision.

Ang Pocari Sweat ang nag-uwi ng titulo sa u­nang season kaya naman target nilang depensahan kontra sa mga astig na kalaban gaya ni Valdez na nasa Creamline Smashers, ang PayMaya squad na pinamumunuan ni Roger Gorayeb at ang Perlas-Banko.

Nandiyan din ang Petro Gazz, Phl Navy-Iriga at ang Open Conference champion na Bali Pure na sanib-puwersa sa National U.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy