Una sa Balita

Valdez nag-Japan, Creamline niloobang muli ang BanKo

0 371

PUMALO si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ng 14 points sa likod ng 13 spikes upang pamunuan ang Creamline sa pagwalis sa BanKo, 25-22, 27-25, 25-14, sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Linggo nang hapon sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Sa pagderetso sa 15-0 ng defending champion Cool Smashers, lumapit sa isang panalo na lang ito upang ma-sweep ang 2-round elims ng midseason women’s volleyfest, nilagot din ang 4-game winning streak ng biktima na sumadsad sa 10-6 at lagpak sa ika-apat na puwesto.

Umalma rin para sa winning squad sina Rose Vargas at Michele Gumabao na tumapos ng tig-12 puntos upang patunayan na kahit wala ang kanilang ace-player sa hard court ay kayang tumayo sa sariling mga paa.

Wala si Alyysa Valdez na sumama sa umalis kahapong PH 6 para sa 12-day training camp sa Japan bilang paghahanda sa papasok na buwan sa bansa na 30th Southeast Asian Games 2019.

Si Nicole Anne Tiamzon ang nanguna sa puntusan para sa Perlas Spikers, naka-12 markers siya. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy