Una sa Balita

VALDEZ-LESS ATENEO SASABAK SA FEU

By
0 260

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena, Pasig)
11:00 a.m. — UST vs NCBA (S Turf)
1:00 p.m. — NU vs FEU (S Turf)
4:00 p.m. — St. Benilde vs FEU (V League)
6:00 p.m. — Ateneo vs TIP (V League)

Sasabak ang Ateneo Lady Eagles ngayong araw laban sa Technolo­gical Institute of the Phi­lippines sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City habang katapat ng reigning NCAA champion College of Saint Benilde ang Far Eastern University.

Lilipad ang two-time champions Lady Eagles pero hindi na kasama si volleyball superstar at former V-League two-time MVP Alyssa Valdez.

Hindi isinama sa roster bilang guest player si three-time UAAP MVP Valdez pero kasama siya sa coaching staff.

“The team has decided to just tap Alyssa (Valdez) as member of the coaching staff because we want the players seeing action in the UAAP to toughen up and gain experience,” wika ni Ateneo team ma­nager Tony Liao.

Ang mga papalo para sa Ateneo ay sina Bea de Leon, Kassandra Gequillana, Jhoanna Maraguinot, Julia Morado, Gizelle Tan, Ana Gopico at ang nagba­balik na si Michelle Mo­rente upang kilatisin ang tikas ng Lady Engineers sa alas-sais ng gabi.

Hinugot ng TIP sina former La Salle star at Laoag setter Chi Saet at Adamson standout My­lene Paat bilang reinforcements para sa kampanya nila sa liga na suportado ng Mikasa bilang official ball at Accel.

Samantala, mapapalaban agad ang St. Benilde sa Lady Tamaraws mamayang 4:00 p.m. sa event na mapapanood ng live sa ABS CBN Sports + Action Channel 17 at 23.

Kinalos ng Lady Bla­zers ang San Sebastian Lady Stags para sa NCAA crown nakaraang taon, kahit nabawasan ang CSB dahil graduate na ang ibang players ay nan­dyan pa rin si NCAA Finals MVP Jeanette Panaga para akbayan ang koponan.

“It will be tough,” sambit ni St. Benilde coach Michael Carino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy