Una sa Balita

Valdez, La Viña sibak sa SSS

By
0 13,713
Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Social Security System (SSS) Chairman Amado Valdez at Commissioner Jose Gabriel La Viña.
 
Ipinahayag ito ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque sa kanyang regular press briefing sa Malacañang kahapon.
 
Sinabi ng Kalihim na kapwa nag-expire na ang termino nina Valdez at La Viña sa SSS noon pang Hunyo 30, 2017 at nanunungkulan na lamang ang mga ito bilang hold-over capacity.
 
“The Executive Secretary has formally informed Mr. Jose Gabriel La Viña as well as Mr. Amado Valdez that their term of office, both of which expired 30 June 2017 as Chairman and Commissioner of SSS will not be renewed. No reason given,” ani Roque.
 
Walang ibinigay na dahilan kung bakit hindi na pinalawig pa ang termino ng dalawang opisyal pero bago pa man nangyari ito ay sumabog ang kontrobersiya sa SSS matapos akusahan ni La Viña ang ilang opisyales ng pension fund na ginagamit ang kanilang posisyon para sa personal stock trading.
 
Nataon din ito sa gitna ng pagnanais ng SSS na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro nito sa 14 porsiyento mula sa kasalukuyang 11 porsiyento.