Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Valdez hahambalos sa 2022 PVL season

0 193

HINDI mapipigilan sa inaasam nitong paghataw ang tinaguriang volleyball phenom na si Alyssa Valdez.

Ito ay matapos kumpirmahin mismo ng dating Ateneo Blue Eagles at national team mainstay na nakahanda itong sumabak sa nalalapit nang magbukas na komperensiya ng Philippine Volleyball League (PVL) sa Pebrero.

Inihayag ni Valdez ang kanyang pagsusuot muli ng uniporme ng Creamline Cool Smashers sa pagdalo nito sa isinagawang Kumu Live kasama si Sam Bernardo.

Una nang iniulat na hindi makakasama si Valdez sa pagbubukas ng 2022 Premier Volleyball League Open Conference na itinakda na magsimula ng aksiyon sa Pebrero 16.

Ito ay dahil ang dating Lady Eagles ay kailangan na daluhan ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Kailangan ni Valdez na magbalik sa “Bahay ni Kuya” matapos na maging top two housemates sa ginanap na celebrity edition, kakomperensiya ang dalawa pang nangunang housemates mula sa Adult at Teens edition.

Matatandaan na si Valdez ay nahawa din sa pandemya na dulot ng COVID-19 at kasalukuyang nagpapagaling.

Ang PVL Open Conference ay isasagawa sa loob ng tatlong buwan tampok ang single round robin preliminaries na ang Top 4 ay magsasagupa sa pares ng best-of-three semifinal series. Ang magwawagi ay magkakatapat sa titulo.

Isasagawa ang Open Conference tournament alinman sa Paco Arena Events and Sports Center sa Manila o sa Royale Tagaytay na kapwa sa full bubble setup. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.