Una sa Balita

Valdez, Creamline tatapusin ang Gazz

0 341

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
4:00pm — BanKo vs Motolite (Game 2 battle-for-3rd)
6:00pm — Creamline vs PetroGazz (Game 2 Finals)

WALA nang balak si Alyssa Valdez at ang Creamline Cool Smashers na pahabain pa ang best-of-three finals nila kontra PetroGazz sa 3rd PVL Open Conference.

Kaya naman inaasahang ididispatsa na ng Creamline ang PetroGazz sa Game 2 ng kanilang championship series alas-6:00 ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Lumagare ng game-high 19 points si Valdez sa Game 1 nitong Miyerkoles upang ibigay sa Cool Smashers ang 1-0 lead.

Makakatuwang ni Valdez­ si former Adamson­ star Jema Galanza na humagupit naman ng 15 points, kabilang ang 14 attacks, at palamuting 10 excellent digs.

“Ayaw naming maulit ‘yung hirap na pinagdaan naming noong Reinforced Conference,” pahayag ni Alyssa matapos kapusin noong 2019 Reinforced Confe­rence finals kontra PetroGazz. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy