Una sa Balita

Valdez, Creamline rarampa

By
0 519

Apat na hukbo ang nakapaloob sa dalawang esk­plosing sultada ang magbubukas sa 2nd Philippine Volleyball League 2018 Reinforced Confe­rence ngayon sa The Arena-San Juan City.

Sabunutan agad sa alas-dos ng hapon ang nagbabalik na PayMaya Highflywers na kilala dating PLDT kontra sa bagitong Tacloban Fighting Warays.

Boldyakan din sa alas-kuwatro ng hapon ang Creamline Cool Smashers at bagong salta ring Petro Gazz Angels.

Abante Hiring – IT dep

Trangka si star at skipper Alyssa Valdez sa patok na Cool Smashers ni coach Anusorn ‘Tai’ Bundit laban sa Fighting Warays na aangklahan naman ni Stephanie Mercado, anak ni athletics legend Lydia de Vega-Mercado.

Makakatuwang ni Valdez pa sina Michelle Theresa Gumabao, Jessica Margarett Galanza at Melissa Gohing.

Patatakbuhin ang liga ng Sports Vision Management Group, Inc. na pinangungunahan nina Mauricio Martelino at Richard William Palou.