Una sa Balita

Valdez, Creamline ‘puso’ ang armas

0 233

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — Air Force vs Creamline
4:00pm — PetroGazz vs BanKo Perlas

SIMULA na ng paluan sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Linggo sa FilOil Flying V Centre.

Hahataw agad sa opening match ang nagbabalik na Philippine Air Force Lady Jet Spi­kers katapat ang defending champions Creamline Cool Smashers sa alas-2:00 ng hapon.

Palaban ang Lady Jet Spikers na sina Wendy Semana, Dell Palomata at Mary Ann Semana sa liyamado at mas paboritong Cool Smashers sa pangunguna ni Alyssa Valdez katuwang sina Jia Morado, Risa Sato at Michelle Gumabao.

Hindi man nakuha ang titulo noong Reinforced Conference, optimistiko pa rin si Valdez na maganda ang ipapakita nila sa Open Conference.

“Wala nang advantage-advantage rito pagdating sa all-Filipino, ang laba­nan kasi equal, if you look at it. Wala nang imports na magre-reinforce para makatulong at maka-contribute sa team. Labanan na ito ng pride saka puso,” pahayag ni Valdez.

Sa second game alas-4:00 ng hapon, magtatagpo ang PetroGazz Angels at BanKo Perlas Spikers. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy