Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Valdez, Creamline lalagutin Cignal

0 159

Mga laro ngayon, Lunes/Agosto 2:

(PCV Socio-Civic & Cultural Center, Bacarra)

3:00 pm – Choco Mucho vs. Black Mamba- PH Army

6:00 pm – Cignal vs. Creamline

BABALIK sa win column si team skipper Alyssa Valdez at reigning champions Creamline kontra Cignal sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference bubble eliminations ngayong Lunes ng alas-6:00 nang gabi sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nadungisan ang second-running Cool Smashers (5-1) nitong Biyernes nang sorpresang tumiklop sa Chery Tiggo, 18-25, 23-25, 25-23, 20-25.

Kapos ang 16 points ni Valdez, 12 markers ni Tots Carlos at 10 ni Michele Gumabao upang malagot ang limang ragasa kaya tiyak na pagdidiskitahan ang HD Spikers.

Pero gusto ring tumayo ng Cignal (1-5) mula sa 25-20, 20-25, 22-25, 21-25 na pgtilapon sa Perlas noong Huwebes.

Balewala ang 12 pts. ni Janine Marciano, 11 ni Norielle Ipac at 10 ni Roselyn Doria para sa Cignal (1-5) laban sa Spikers.

Maghahampasan din ang league-leader Choco Mucho (5-0) at Black Mamba Philippine Army (2-3) sa alas-3:00 nang hapon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.