Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Vaccine’ patok na salita ng taon

0 109

Pasok ang katagang `vaccine’ bilang 2021 word of the year ng Merriam-Webster.

Kumpara noong 2020, lumalabas na tumaas ng 601% ang searches para sa salitang vaccine sa website ng Merriam-Webster. At kung ang ikukumpara ang numero ngayong taon at noong 2019, tumaas pa ng 1,048% ang searches sa salitang vaccine.

“This was a word that was extremely high in our data every single day in 2021,” pahayag ng editor-at-large ng Merriam-Webster na si Peter Sokolowski.

“It really represents two different stories. One is the science story, which is this remarkable speed with which the vaccines were developed. But there’s also the debates regarding policy, politics and political affiliation. It’s one word that carries these two huge stories.”

Lumobo ang searches sa kahulugan ng salitang ‘vaccine’ bunsod na rin umano ng malawakang roll-out ng COVID vaccine sa buong mundo kung saan marami ang gustong makasiguro ng mga magpapabakuna na sila ay ligtas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.