Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vaccine drive-thru binuksan sa Maynila

0 37

Opisyal nang binuksan nitong Sabado ang COVID drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Katabi lang ito ng COVID testing tise at ng field hospital.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na maaaring magpabakuna ang mga indibiduwal na may sasakyan katulad ng jeep at kotse. Hindi pa naman puwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.

Nilinaw ng alkalde na kinakailangan muna magparehistro online at magpa-schedule sa website ng Maynila.

Nabatid na hindi lang isang tao ang puwedeng magpabakuna basta nasa loob ng sasakyan. Kahit apat na tao umano basta nakarehistro sa manilacovid19vaccine.ph website ng Manila City government at kahit isa lang sa kanila ang naka-schedule.

Kahit naman hindi taga-Maynila ay maaari rin umanong mag-register at sumama sa drive-thru vaccination.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.