Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vaccine day pa more aarangkada

0 107

Mas maraming vaccination day ang ilalatag ng gobyerno ngayong buwan para mapalakas ang pagbakuna sa mga lugar na marami pang hindi bakunado, ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Dr. Myrna Cabotaje.

Nauna nang idinaos ng Department of Health (DOH) ang special vaccination days sa Davao Region, Cebu province, Cotabato City at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao mula March 30 hanggang Abril 1.

“Ang gagawin in April, titingnan na talaga kung sino mga areas ang kailangan ng espesyal na tulong para ‘yong mga kalapit rehiyon o kalapit na probinsya ay makatulong sa mga siyudad na medyo mahina ang kanilang bakunahan,” ani Cabotaje sa panayam kahapon ng Radyo dzBB.

Puntirya ng administrasyong Duterte na makapagbakuna ng 90 million sa Hunyo 30.

Sa ngayon ay nasa 66 milyon na ang mga bakunado kontra COVID na mga Pilipino. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.