Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vaccine dapat aprub ng mga Muslim-Marcos

0 218

Kailangang tiyakin ng gobyerno na ‘halal’ o may permiso para sa milyong-milyong mga Pilipinong Muslim ang mga Covid-19 vaccine para hindi masayang ang bakuna, ayon kay Senadora Imee Marcos.

“Ang pagsasa-alang-alang sa relihiyon at mga kultura o paniniwala ay makakaiwas para hindi masayang ang gastos ng gobyerno at makakahimok sa mga tao para magpabakuna,” pahayag ani Marcos na nagsabing 47% ng mga Pinoy na na-survey ng Pulse Asia ay nag-aatubiling magpabakuna.

Sabi ng senadora, dapat na kumonsulta ang pamahalaan sa mga grupong nagsi-certify ng halal tulad ng Islamic Da’wah Council of the Philippines, na sumasaklaw sa halos 100 organisasyon ng mga Muslim sa bansa, bago isapinal ang alokasyon ng bakuna lalo na para sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

Sa ilalim ng batas ng Islam, ang paglunok o pagkain ng baboy at deribato nito ay kinokonsiderang ‘haram’ o ipinagbabawal, maging ang pork-extracted gelatin na ginamit para mapatatag o ma-stabilize ang maraming bakuna habang nasa storage o nakaimbak ito at habang inihahatid sa destinasyon nito.

Mahigit anim na milyon ang ang mga mamamayang Pilipino na Muslim, base sa 2015 census ng Philippines Statistics Authority. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.