Una sa Balita

V-League: Lady Tams nakamata sa tuktok

By
0 135

Mga laro ngayon:
10:00 a.m. — FEU vs St. Benilde (S Turf)
12:00 noon — San Beda vs UST (S Turf)
4:00 p.m. — FEU vs San Beda (V-League)
6:00 p.m. — Perpe­tual vs TIP (V-League)

Bibigyan ni coach Shaq delos Santos ng playing time ang kanyang dalawang bagong setters upang tulungan ang Far Eastern University Lady Tamaraws na suwagin ang pangalawang sunod na panalo at maihati sa liderato ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City ngayong araw.

Sa unang panalo ng Lady Tamaraws nabigyan ng pagkakataon maglaro sina setters Angelica Cayuna at Angela Negrito, naghalinhinan ang dalawa at nagkaroon sila ng pinagsamang 36 excellent sets sa panalo nila kontra NCAA champions College of Saint Benilde Lady Blazers, 25-16, 25-18, 25-18.

Tinapik ang dalawa para sa puwestong iniwanan ni Gyzelle Sy na nag-graduate sa pag-aaral.

“I will continue to give them playing time and see what happens from there,” ani delos Santos.

Nakatakdang harapin ng Lady Tamaraws ang San Beda College Red Spikers sa alas-kuwatro ng hapon upang sumiksik sa three-way tie sa top ng Group B.

May kartang 1-0 ang FEU, magkasalo sa una­han ang University of Sto. Tomas Tigresses at University of the Philippines Lady Maroons hawak ang malinis na tigala­wang panalo.

Maghaharap naman sa main game (6:00 p.m.) ang Technologi­cal University of the Philippines Lady Engineers at Perpetual Help sa mid-season confe­rence ng liga na inisponsoran ng Shakey’s.

Ibabandera ng ng FEU sina Bernadette Pons, Mary Joy Palma at Toni Rose Basas para tapatan ang ipinagmamalaki ng Red Spikers na sina guest players Janine Marciano at Wenneth Eulalio at Nieza Viray.

Ang top three teams sa bawat grupo pagkatapos ng single round elims ay aabante sa quarters kasama ang kanilang records kaya mahalaga ang lahat ng magiging laro sa first round.

Sa Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference, magpapaluan ang UST at San Beda sa alas-dose ng tanghali, susunod ang labanan ng FEU (0-1) at St. Benilde (0-1) sa 10  ng umaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy