Una sa Balita

V-League Collegiate Conference bukas na

By
0 7

Mga laro bukas:
(Ynares Arena, Pasig)
4:00 p.m. — UP vs San Beda
6:00 p.m. — San Sebastian vs Perpetual

Umpisa na ang aksyon sa Shakey’s V-League Season 13, Collegiate Conference bukas sa Ynares Arena sa Pasig City.

Magsasalpukan ang University of the Philippines kontra San Beda sa alas-kuwatro ng hapon habang magkatunggali ang San Sebastian College at Perpetual Help sa main game (6 p.m.) sa event na mapapanood ng live sa ABS-CBN Sports + Action Channel 23.

Defending champion ang National University Lady Bulldogs, tinalo nila ang Ateneo Lady Eagles via sudden death nakaraang taon.

Pangungunahan ni UAAP Season 78 best spiker, Jaja Santiago ang Lady Bulldogs para masikwat muli ang titulo.

Makakatuwang ni 6-foot-6 Santiago sina Fil-Japanese recruit Risa Sato, Jasmine Nabor, Joy Doromal, Aiko Urdas, Gayle Valdez at Jorelle Singh habang sa Lady Eagles ay hindi na makakalaro si volleyball superstar Alyssa Valdez dahil gra­duate na siya sa pag-aaral.

Naiwan sa Ateneo sina Jhoanna Maraguinot, Kim Gequillana, Bea de Leon, Ana Gopico, Julia Morado at Michelle Morente.

Handa naman ipakita ng ibang teams na kaya nilang makipagsabayan sa mga malulupit na volleyball netters, isa na rito ang reigning NCAA champion St. Benilde University of the Philippines na malaki ang inumento ng kanilang laro at many-time NCAA titlist San Sebastian College.

Samantala, may 12 teams ang kasali sa Spi­kers’ Turf Season 2 Collegiate Conference.