Una sa Balita

Uy, Nicolas target ang 1-2 finish

0 397

HANGAD nina Filipino-American athlete Natalie Uy at Alyana Nicolas na makapagtala ng 1-2 finish sa women’s pole vault competition sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games Athletics sa New Clark City Stadium.

Kapwa nasa Amerika sina Uy at Nicolas para sa huling parte ng kanilang paghahanda sa SEA Games na gaganapin simula Nobyembre 30 hanggang Dis­yembre 11 sa 20,000-seat New Clark City Athle­tics Stadium na nasa loob mismo ng malawak na 9,500-hectare NCC Sports Complex.

“Both Natalie and Alyana are serious and hardworking athletes, who always want to improve and push the envelope. Natalie is now in Arkansas trai­ning under Sam Bell of the well-known Arkansas-based Bell Sports. Alyana is in San Jose, California, training under 1991 SEA Games gold medalist, Fil-Am pole vaulter, Edward Lasquete. I’m hoping for a 1-2 finish in the women’s pole vault of the SEA Games,” sabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Juico.

Unang nagpakita ng kanyang husay si Uy sa bansa sa isinagawa na 2019 Philippine National Open Athle­tics Championships noong Marso sa Ilagan City Sports Complex matapos iuwi ang gintong medalya sa pole vault sa pagtatala ng bagong record na 4.12 metro sa kanyang una pa lamang na pagsabak tungo sa pagbura sa 11 taon na national women’s record na 4.11 metro na itinala ni Deborah Samson sa 2008 California Regionals.

Iniuwi ni Nicolas ang pilak sa natalon nito na 3.8 metro. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy