Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Uy binalatuhan ang waiter

0 150

NAGPAKITA ng kabutihang loob si ICTSI Riviera Ladies Championship newly-crowned Daniella Uy matapos ibigay ang parte ng kanyang napanalunan premyo sa first professional win sa katatapos na Ladies Philippine Golf Tour ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. sa Silang, Cavite.

Isiniwalat Sabado ni Jong Arcano ng Inquirer Golf na ibinahagi ng 2015 Junior World 15-17 years division champ ang parte ng cash prize nito Miyerkoles sa isang waiter sa Riviera Golf and Country Club na ang ama’y nakikipaglaban sa kidney cancer.

Ipinahayag ni Uy na maganda ang kanyang pakiramdam na naibahagi ang blessings mula sa pitong taong pinakahihintay na panalo sa waiter na si Mike Romasanta. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.