Una sa Balita

UV Express pwede na ulit sa EDSA

By
0 111

Inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising­ and Regulatory Board ­(LTFRB) na maaari na muling dumaan ang mga UV Express sa EDSA pero mahigpit namang ipinagbabawal ang pagsasakay at pagbababa.

Ito ay matapos mapagpasyahan ng LTFRB na tanggalin na ang pag-ban sa mga UV Express sa EDSA bunsod ng umaapaw na reklamo ng publiko base na rin sa inilabas na bagong kautusan ng LTFRB na Memo­randum Circular No. 2016-013 na nagba­bago sa naunang MC 2016-009 na ipinalabas.

Ngayon, sa ilalim ng bagong direktiba, ang mga UV Express drivers na mula sa timog ng Metro Manila papuntang Makati ay maaaring dumaan sa Skyway patungong Park Square terminal at ibang stations sa Makati central business district.

Mula Makati papuntang timog na bahagi ng Metro Manila ay dapat dumaan sa Arnaiz St. papuntang EDSA hanggang sa Magallanes Interchange at palabas sa South Luzon Expressway (SLEX).

Para naman sa mga UV Express mula sa timog ng Metro Manila, Fairview, Pasig, Marikina,­ at Rizal papuntang Cubao ay pwedeng dumaan sa C5 hanggang sa Aurora Boulevard at vice versa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy