Una sa Balita

UV Express babaklasan ng prangkisa sa taas-pasahe

By
0 2,036

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatanggalan nila ng prangkisa ang UV Express na iligal na magtataas ng pasahe.

Ito ang banta ni LTFRB Spokesperson Atty Aileen Lizada sa mga UV Express Dri­vers at Operators matapos makatanggap ng reklamo ang ahensya na nag-aabiso na ang mga UV Express sa kanilang mga pasahero na magtataas ng singil sa pasahe kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni Lizada kailangang maghain muna ng petisyon sa LTFRB ang anumang sektor sa pampublikong transportasyon bago ito magtaas ng pasahe at dadaan umano ito sa proseso, at ang ahensya ang magtatakda kung magkano lamang ang nararapat na fare increase, sa hanay umano ng mga UV Express ay wala silang natatanggap pa na anumang fare hike petition.

“…those who will unilaterally raise their fare rates face a minimum fine of P5,000 for overcharging passengers under Joint Administrative 2014-01, or the Revised Sche­dule of Fines and Pe­nalties for Violation of Laws, Rules and Regulations Governing the Land Transportation Office. For third-time offenders, the driver or operator will be fined P15,000 on top of the revocation of their franchise,” pahayag ni Lizada.

Ilang UV Express na bumibiyahe mula sa ilang lugar sa Bulacan hanggang Quezon City Via NLEX ang una nang nagpaskil sa kanilang mga sasakyan ng anunsyo na magtataas ng P5 na pasahe na epektibo simula Enero 15 resulta ng pagtaas ng bilihin, pagtaas ng upa sa terminal at presyo ng langis.

Sa datos ng LTFRB mula nitong Oktubre 2017 ay may 20,998 franchises para sa 22,645 UV Express units sa buong bansa.