Una sa Balita

UV DRIVER NA RAPIST-HOLDUPPER, LAGLAG

By ,
0 9

Pagkaraan ng halos limang araw mula nang mangholdap at gahasain ang dalawang pasaherong babae sa loob ng pinamamasadang pampasaherong UV van, bumagsak sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa dalawang suspek sa nasabing lungsod.

Sa report ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ni Supt. Rodel Marcelo ang suspek na kasalukuyang nakakulong na si Wilfredo Lorenzo, 36, may asawa ng Block 37, Lot 17, Metro Manila East, Rodriguez Rizal.

Ayon kay Supt. Marcelo, ang suspek ay itinuturong driver na responsable sa panghoholdap at pang-aabuso sa dalawang dalaga na kapwa  empleyado ng isang kilalang fastfood chain na itinago sa pangalang ‘Jane’  at ‘Roda’ noong Hunyo 10, 2016 sa may Aurora Blvd., QC, sa loob mismo ng pinapasadang kulorum na van. Kasama nito ang kasab­wat na alyas Buddy na konduktor ng van.

Naaresto ang suspek sa patuloy na follow-up ope­ration ng QCPD Novaliches Police Station-4 at sa tulong ng may-ari mismo ng van na nagbunyag sa pagkatao ng suspek.

Sa imbestigasyon ng QCPD  ganap na alas-5:45 ng hapon nang madakip ang suspek sa kahabaan ng E. Cruz St., Cruzville , T.S. Cruz Subdivision, Bgy. Kaligayahan Novaliches, Quezon City habang sakay ang una ng isang Toyota Hi-Ace Grandia (ALA-6980). Nakarekober din ng isang plastic sachet ng shabu sa pag iingat ng suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang paghoholdap at pang-aabuso sa mga biktima habang sakay ang mga ito ng isang kulay puting GL Hi-Ace Grandia na minamaneho ni Lorenzo kasama si Buddy.

Base sa salaysay ng mga biktima sa QCPD Womens and Children Protection Desk (WCPD),­ ­ nangyari ang insidente noong Hunyo 10, 2016 ng alas-10 ng gabi hanggang June 11, 2016 ng alas-dos  ng madaling- araw sa  kahabaan ng Quezon Avenue kanto ng EDSA, hanggang Batasan Hills, QC.

Bago ito, naghintay umano ng masasakyan pauwi ang mga biktima sa Quezon Avenue nang dumating ang kulay pu­ting van na may sign board na biyaheng SM Fairview kung kayat nagpasya na silang sumakay.

Naiwan ang dalawang biktima hanggang sa holdapin at gahasain ng dalawang suspek.

Nakaligtas sa rape ang isa sa babae dahil sa buwanang dalaw nito subalit dinaliri ito upang matiyak na hindi ito nagsisinungaling.

Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba na ng mga suspek ang mga biktima sa liblib na lugar sa bahagi ng Novaliches saka iniwanan doon kung saan sila nasaklolohan ng isang taxi driver at tinulungang madala sa pulisya.