Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Uupong DA chief! BBM aayusin problema sa Agri

0 95

Upang mabilis umanong makaaksiyon lalo ngayong may kinakaharap na problema sa suplay ng pagkain, pamumunuan muna ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA).

“I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture at least for now. And at least until we can reorganize the Department of Agriculture in the way that it will make it ready for the next years to come,” sabi ni Marcos sa isang press conference kahapon.

Sinabi ni Marcos na mayroong mga opisina sa DA na kailangan ng ayusin upang maging angkop sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at habang muling binubuo ang value chain ng agrikultura.

“And that is why I thought its important that the President take that portfolio… not only to make it clear to everyone what a high priority we put on the agricultural sector but also as a practical matter so that things move quickly because the events of the global economy are moving very quickly we have to be able to be agile we have to respond properly in a measured way as soon as there is a situation that needs to be addressed,” sabi pa ni Marcos.

Giit pa ni Marcos na maraming dapat na gawing prayoridad sa sektor ng agrikultura na kailangang tugunan ng sabay-sabay.
Kabilang umano rito ang pagpapataas ng produksyon upang madagdagan ang suplay ng pagkain lalo na ngayong nilimitahan ng Thailand at Vietnam ang pag-export nito ng bigas.

“So we have to compensate for that by increasing production here in the Philippines,” dagdag pa ni Marcos.
Bukas din si marcos sa pag-amiyenda sa rice tarrification law upang mas lumaki umano ang pondo na maaaring gugulin ng gobyerno sa agrikultura. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.