Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Uupak sa Last 8: Nesthy sinibak world champion

0 73

HINAWI ni 2019 World champion Nesthy Petecio ang matinding balakid sa asam nitong medalya matapos na patalsikin ang rank No.1 na si na si Yu-Ting Lin ng Chinese Taipei sa Round of 16 ng women’s flyweight (48-51kgs) boxing competition ng 2020 Tokyo Olympic Games sa Kokugikan Arena.

Nilampasan ng 29-anyos mula Davao City na si Petecio ang matinding hamon sa huling dalawang round ng 2018 World champion na si Lin sa pagtatala ng nakakakabang split decision na panalo sa paghugot ng 3-2 desisyon mula sa limang hurado upang umusad ito sa quarterfinal round.

Apat sa limang hurado ang pumabor kay Petecio sa unang round para sa 49-46 iskor bago nabaliktad ang laban sa ikalawang round na nakuha ni Lin sa 49-46.

Related Posts

Naging mahigpit ang ikatlong round kung saan nakuha ni Petecio ang tatlo habang dalawang hurado naman kay Lin para sa mahigpit na 48-47 iskor na nagtulak sa panalo ng Pilipina na 2019 Southeast Asian Games gold medalist.

Nakamit ni Petecio ang 28-29, 29-28, 28-29, 29-28 at 39-28 iskor sa mga hurado upang mangailangan na lamang ng isa pang panalo para makasiguro ng medalya para sa delegasyon ng Pilipinas.

Sunod na makakasagupa ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Columbia sa ganap na alas-11 ng umaga sa Hulyo 28. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.