Una sa Balita

Utot ni Heart amoy cherry

0 7,455

Normal na lang na bawat araw ay may ipino-post ang showbiz elite fashion icon na si Heart Evangelista. Sobrang active nito sa social media lalo na sa Instagram, na umabot na nga ng higit 10K ang post nito sa kanyang IG.

Siguro nga sa bawat 10 na pino-post ng aktres, 5 madalas ang talagang bumebenta sa mga fan at nagti-trend pa. Pero ngayon, reply naman ni Heart ang bumenta sa mga fan kung saan tinanong siya kung ano ang amoy ng utot niya o ng mga mayayamang katulad niya.

“Ms Heart itatanong ko lang po… curious lang po ako… yun po bang mga sosyal, mabaho din ang utot? O iba ang amoy? Kasi sosyal ang kinakain,” tanong ng isang fan.

Very casual na pabiro namang sumagot ang aktres, “Amoy strawberry… pero ako cherry lang… char,” sey naman ni Heart.

Bentang-benta sa mga fan ang sagot ng aktres to the point na nag-imbento na rin sila ng kani-kanilang amoy ng utot. Kesyo amoy mango, grapes at kung ano-ano pa! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy