Una sa Balita

Utos ni Duterte sa PNP, BI, PCG itigil ang illegal recruitment

0 2,030

Inatasan kahapon ni Presidente Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Immigration (BI) at ibang law enforcement agencies kabilang ang Philippine Coast Guard (PCG) na tumulong sa pagpapatigil ng illegal recruitment o ang pagpapadala ng undocumented Filipino para magtrabaho sa ibang bansa.

“I’d like to see to it that, either back or front door, I would like to task the Philippine National Police, nandito ‘yung ating regional commander (our regional commander is here) (BI Commissioner Jaime) Mo­rente, he has to walk the extra mile… the NBI, Coast Guard and lalo na ‘yung component sa mga pantalan, but usually sa eroplano ‘yan),” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Matina Enclaves sa Davao City.

Aniya, papanagutin niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbibigay ng permits sa mga recruiters kapag nagpadala ito ng mga illegal Pinoy workers sa ibang bansa.

“I want all of them, connected already by this time, arrested and placed behind bars, to face charges,­” turan ng Pangulo kasabay ng utos kay Justice Secretary Vitaliano Aguirr­e na magpalabas ng order o kautusan.

“It’s a continuing crime. I will not go to a specific visa or passport that was issued with their intervention,” dagdag pa nito.

Nangako si Pangulong Duterte na lilipulin niya ang lahat ng mga illegal recruiter na nagpapahirap sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Mahigpit din na ipina-monitor sa aviation police ang katubigan sa Zamboanga na nagsisilbing ‘back door entry’ ng mga terorista.