Una sa Balita

Utos na dapat sundin ng mga kababaihan sa Saudi

By
0 296

Nauna nating natalakay ang kautusan na nagsasabing puwede na makapagmaneho ang mga babae sa Kingdom of ­Saudi Arabia.

Ito ay matapos na lagdaan ng Hari ng Kingdom of Saudi Arabia na si King Salman ang kautusan na nagsasabing puwede na makapagmaneho ang mga babae sa KSA.

Ito ay isang mala­king hakbang para sa KSA kung saan napakahigpit ng mga batas at napakarami ng limitasyon sa mga pribilehiyo para sa mga kababaihan.

Wala naman sa batas ng Saudi Arabia na nagsasabi na bawal magmaneho ang mga babae, ang mga lokal na awtoridad na mismo ng KSA ang tumatanggi sa mga babaeng nais mag-aplay para makakuha ng lisensya sa pagmamaneho, bagay na nagresulta sa ‘de facto ban’.

Sa kabila nito, marami pa ring mga bagay ang ipi­nagbabawal para sa mga babae sa KSA. Ang mga utos na ito ay dapat din sundin ng mga kababaihan na nagtutungo sa Saudi Arabia, mapa-turista man o manggagawa kagaya ng mga OFW. Kabilang sa mga ipinagbaba­wal ang mga sumusunod:

1. Magdesisyon ng hindi humihingi ng permiso sa kanyang ‘wali’ o opisyal na lalaking guardian kagaya ng asawa, tatay, lalaking kapatid o uncle.

2. Dress code para sa mga kababaihan: bawal­ magsuot ng mga damit na magpapakita ng balat, masyadong makapal na make-up, maglugay ng buhok sa mga pampublikong lugar. Kailangan palaging nakasuot ng abaya na walang dekorasyon.

3. Makipaghalobilo sa mga kalalakihan na hindi nila kaano-ano. Magkahiwalay ang babae at lalaki sa mga pampublikong transportasyon, park, beach at iba pang lugar. Mahigpit ang parusa at maaari pang mahuli ng religious police ang lalabag sa utos na ito.

4. Bawal lumangoy sa pampublikong swimming pool at beach. Pinapayagan lang mag-swimming sa mga pribadong resort o pambabaeng swimming pool lamang.

5. Makilahok sa pala­kasan. Hindi pa rin tanggap sa Saudi Arabia na kayang makipagsabayan ng mga kababaihan sa larangan ng sports. Noong nagpadala ang Saudi Arabia ng mga atleta sa 2012 Olympics, mababa pa rin ang tingin ng mga konser­batibong Saudi nationals­ sa mga babaeng atleta.

6. Bawal magsukat ng damit sa mga tinda­han. Hindi pinapayagan na ­maghubad ang mga babae sa publiko maski sa loob ng dressing room.

Sa pagpirma ng royal decree na nagpapahintulot sa mga kababaihan magmaneho, unti-unti na ring nagkakaroon ng pag-asa na magiging mas moderno na ang kultura sa Saudi Arabia para sa ikauunlad ng kanilang bayan.

***

Verse of the day: “I raise up my voice—not so I can shout, but so that those without a voice can be heard…we cannot succeed when half of us are held back.” – Malala Yousafzai

***

Makinig sa ‘Radyo OFW’ 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com