Una sa Balita

Utol nina Richard, Ruffa ginamit sa panlalait kina Vico, Joy, Koko

0 838

Alam mo, Dondon, mabuti na lang at tinawagan ako kahapon ni Ms. Jeany Lacoste, isa sa editorial bosses natin dito sa Abante, nalaman ko tuloy na may fake Facebook account ang bunsong kapatid nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, si Ritchie Paul Gutierrez.

Ipinadala sa akin ni Ms. Jeany ang post sa Paul R Gutierrez na may hashtag pa na #PaulGutzforMayor at ready na raw pang-campaign ad at palitan na niya si Joy ng QC ngayong 2022 at in 10 years, palitan na rin daw niya si Pimentel.

Nakalagay rin sa post na ‘yon ng nasabing fake FB account na, “Enough is enough! Day 12 realizations. Puro na lang kayo kay Vico, ayaw nyo sa may humour tapos mabango?”

Alam na alam ko na na FAKE nga ang FB account na ‘yon at hindi ‘yon sa bunso ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Sabi ko kay Ms. Jeany, “He’s not into social media. Fake Facebook account ‘yan!”

Pero kahit alam ko na nga na FAKE FB account ‘yon, kinausap ko pa rin ang magkakapatid na Ruffa, Elvis, Richard at Raymond.

Gumawa ako ng panibagong chat group namin.

Kaagad na nag-react si Raymond.

“That’s fake! How do we report it?!” sabi ni Raymond.

Si Richard naman, wala kasing Facebook account, kaya hindi niya ma-check ang link na ipinadala ko ng fake FB account na ‘yon.

“I don’t have Facebook, paano ‘yan?” sabi niya.

Si Elvis naman ang nag-react.

“So, dalawa na ang fake FB na RP na kumakalat. Weird!” sabi niya at ikinuwentong may isa pa palang fake FB account ang bunso nila na marami palang friends at followers.

“’Yung isang ‘yon, palagi kong mini-message, asking kung sino siya, hindi naman sumasagot,” sabi ni Elvis.

Si Ruffa naman, late nagising, kaya late na nakapag-react sa group chat na ginawa ko.

“That’s FAKE! OMG! How stressful! I’ll try to report. Kaloka! So weird!” reaction ni Ruffa.

Sabi ko kay Ruffa, “Puwede ko ba isulat sa Abante na fake ang FB account na ‘yan?”

“Yes, you can write about it so that people are aware (NA FAKE)!” sabi ng isa sa cast ng “Love Thy Woman”.

So, there, FAKE nga ang IG account na ‘yon na Paul R Gutierrez na gamit-gamit ang picture ng bunso nina Ruffa na si Ritchie Paul.

So, dapat bago kayo mag-report o mag-react sa mga ganoong account, better na i-check ninyo kung legit ‘yon.

Mabuti na lang at maagapsi Ms. Jeany at kinausap kaagad ako dahil duda rin naman siya na legitimate ang account na ‘yon, ‘noh?!

FAKE! FAKE! FAKE!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More