Una sa Balita

Utol ni konsehal laglag sa drug ops sa Lapu-Lapu

By
0 2,162

APAT katao kabilang ang kapatid ng isang konsehal ang inaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Lapu-Lapu City kamakalawa.

Unang nadakip ang suspek na si Victor Amores, 50-anyos, nang pasukin sa loob ng kanyang nirerentahang apartment sa Barangay Gun-ob at inabutan din si Erwin Sullano.

Napag-alaman na si Amores ay kapatid ni Lapu-Lapu City Councilor Rico Amores at isa sa mga high value target ng mga pulis sa lungsod.

Sinundan naman ito sa pagkakadakip kina Caba Pepito, 29-anyos at Ernesto Melano, 40-­anyos, sa isa ring buy-bust operation sa Barangay Poblacion kung saan nasamsam sa mga ito ang nasa P5,000 halaga ng shabu.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga dinakip.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy