Una sa Balita

Utol ni Jovit Baldivino namatay sa Batangas

0 1,738

Sa panahon na naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon, isang malungkot na pangyayari ang hindi inaasahan ng first winner of Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino. Pumanaw ang bunsong kapatid nito.

Hindi COVID-19 ang dahilan ng kanyang kamatayan, pero bata pa ito at ang balita namin ay graduating na kunsaan, si Jovit daw ang nagpa-aral.

Binasa namin ang ilang comments ng mga kaibigan ng bunsong kapatid ng singer at karamihan sa mga ito, shock at pagkagulat sa biglaang pagpanaw ni Justin Baldivino. May nagtatanong din kung “bakit.”

“Mabait” at “mabuting kaibigan” ang kadalasang paglalarawan sa kapatid ni Jovit. Gayundin ng kanyang girlfriend.

Sa Batangas nakatira si Jovit kasama ang kanyang mga magulang at kapatid at do’n din ang wake. Dahil sa enhanced community quarantine, hindi magawang dumalaw sa wake ng ilan sa mga kaibigan niya sa industriya.

Ang aming pakikiramay kay Jovit at sa kanyang pamilya. (Rose Garcia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More