Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Utol ni Chavit palit kay Alan: Pacquiao boys susulutin si Velasco

0 1,450

Kapag nagkataon, mapapaaga ang pagpapalit ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kasabay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sa impormasyong nakarating sa Abante, hindi si Mindoro Congressman Lord Allan Velasco na ka-term sharing ni House Speaker Alan Cayetano ang itinutulak ng bagong “third force” na binubuo sa Kongreso kundi ang kapatid ni dating Ilocos Governor Luis “Chavit” Singson na si Probinsiyano Ako Partylist Rep. Jose “Bonito” Singson Jr.

Nabatid sa source ng Abante na si Bonito ang itinutulak na ipalit kay Cayetano ng tinaguriang “third force” na kinabibilangan ng ibat-ibang partylist at kinatawan mula Northern Luzon at hindi si Velasco na naunang pinangakuan ng ka-term sharing sa Oktubre.

Napag-alaman din na ang pagtulak kay Singson bilang Speaker ay paghahanda sa presidential bid ni Pambansang Kamao senator Manny Pacquiao sa 2022 national election.

“Seryoso sila sa pagtakbo ni Pacman sa 2022 kaya ngayon pa lang gusto nila magpalakas sa Kongreso at si Bonito nga ang gusto nilang ipalit kay Cayetano, hindi si Lord Allan” kwento ng source.

Si Chavit Singson ang may pakulo sa pagtakbong Speaker ng kanyang kapatid, maging sa paghahanap ng suporta sa ibat-ibang grupo sa Kongreso.

“Hindi nga ako maniwala, tawa nga ako ng tawa kasi akala ko nagbibiro si Manong Chavit, seryoso siya na patakbuhing Speaker si Bonito”anang source.

Mismong si Bob Arum na kilalang malapit kay Pacquiao ay nag-anunsyong tatakbo ang senador sa 2022 presidential election at maagang pinangakuan ng ticket sa inagurasyon sa panalo nito.

Hiningan din ng reaksyon ng Abante ang ilang mambabatas sa isyu at ito ang sinabi ng isang kasapi ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI).

“Malabo pa now. Paborito ni Sec. (Sonny) Dominguez si Speaker (Cayetano). And budget drafting season ngayon sa DBCC. Hindi yan magpo prosper sa ngayon,” giit ng solon na ayaw magpanggit ng pangalan.

Matatandaang kinumpirma ni Pangulong Duterte na may nabuong term sharing sa House Speakership sa pagitan nina Velasco at Cayetano.

Alinsunod sa kasunduan uupo si Cayetano ng 15 buwan at ang susunod na 21 buwan ay kay Velasco.

Bago humantong sa term sharing ay mariin ang pagtanggi ni Velasco sa kasunduan at iginiit na hindi manghihimasok sa usapin si Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.