Una sa Balita

Utol ng shabu queen sa Cebu tinodas

By
0 665

PATAY ang 31-anyos na dalaga na nakababatang kapatid ng tinaguriang ‘Shabu Queen ng Consolacion’ matapos pagbabarilin habang pababa ng taxi kamakalawa nang gabi sa Mandaue City sa Cebu.

Kinilala ni ang nasawing biktima na si Janelyn Encila, 31, kapa­tid ni Jocelyn ‘Joy’ Encila na mahulihan ng 10 kilo ng shabu sa isinagawang­ buy-bust ng pulisya sa bayan ng Consolacion nito lang Marso 3 ng ­taong kasalukuyan.

Ayon kay Police Major Ramil Morpos, hepe ng Bask Police Station sa Mandaue City, Cebu, naganap ang insidente dakong alas-7:15 nang gabi sa Sitio Caimito, Brgy. Labogon ng nasabing lungsod.

Pababa na umano ng sinakyang taxi ng biktima kasama ang isang kaibigan nang bigla na lang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang armadong suspek at agad pinagbabaril ng malapitan ang biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy