Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Utol ng bomb expert utas sa raid

0 546

Napatay ang kapatid ng notorious bomb expert na si Basit Usman sa isang pagsalakay sa hinihinalang hideout nito sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Brig. Gen. Michael John Dubria, director ng Central Mindanao Regional Police, natodas si Ben Usman, na may alyas na Tons Usman, matapos manlaban sa mga sundalo at pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng pambobomba sa General Santos City noong 2018.

Nag-ugat ang operasyon mula sa intelligence report na nasa Barangay Lapu, Polomolok si Usman.

Alas-2:45 ng madaling-araw noong Linggo nang suyurin ng mga operatiba ang lugar at natiyempuhan si Usman at maramdaman ang presensiya ng mga awtoridad ay agad bumunot ng baril ang salarin at nagpaputok na nagresulta sa shootout.

Ang kapatid ni Ben na si Basit Usman ang nasa likod umano ng mga serye ng bomb attack sa Mindanao at siya ring nagsasanay sa mga miyembro ng terrorist group sa paggawa ng bomba. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.