Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Utility worker, driver nabakunahan sa Cordillera

0 97

Bahagi ng makasaysayang pagturok ng bakuna sa Cordillera region ang dalawa sa support staff ng ospital na tumulong sa paglaban kontra sa COVID-19.

Kabilang dito si Cyrence Romero, nagtatrabaho bilang utility worker sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC). Aniya, wala siyang naramdamang kakaiba nang maturukan ng bakuna.

“Masaya ako kasi ako ‘yung magiging dahilan na maraming kasamahan ko ang magpapabakuna,” sabi niya sa isang panayam matapos maturukan ng bakuna.

Trabaho umano ni Romero ang paglinis sa ospital, kasama na ang COVID-19 ward. Pero giit niya, kahit na nabakunahan na, kailangan pa rin niya ang pag-iingat sa kalusugan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ako confident na hindi ako magkakasakit pag walang self-discipline. Dapat nag-iingat tayo sa mga hinahawakan at parating naghuhugas ng kamay,” aniya.

Isa pang nabakunahan ay ang ambulance driver na si Fernando Tong-an, ang unang employee sa nasabing ospital na nahawa umano ng COVID-19.

Ang BGHMC ang unang ospital sa rehiyon na tumanggap ng Sinovac vaccine at naturukan ang kanilang mga empleyado.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.