Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Utang ng Pinas pumalo sa P9 trilyon

0 322

Umabot na sa P9.05 trilyon ang utang ng pamahalaan nung katapusan ng Hunyo 2020. Ito ay ayon sa datos ng Bureau of the Treasury.

Kung kuewkentahin, bawat Pilipino ay may katumbas na utang na P85,714.29 base sa populasyon na 105 milyon.

Simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang nung July 2016, P3 trilyon na ang dinagdag nito sa utang ng pamahalaan, mahigit sa kalahati na sa minana nitong utang na P5.95 trilyon lamang nung katapusan ng June 2016.

Ayon sa datos ng BTr, umaabot na sa P1.3 trilyon ang dinagdag ng administrasyong Duterte mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. Nitong Hunyo lang, P163.3 bilyon ang dinagdag na utang dahil malaki ang hinina sa koleksyon ng buwis nang maraming mga negosyo ang nalugi at nagsara dala ng lockdown at quarantine na isinagawa para awatin ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Apat na buwan nang naka quarantine ang maraming bahagi ng bansa, isa sa mga pinakamatagal na quarantine sa buong mundo. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.