Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Utang ng ‘Pinas halos P12 trilyon na

0 190

Umabot na sa P11.97 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang katapusan ng Oktubre ngayong taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) kahapon.

Kung paghahatian ito ng 109 milyong Pilipino, may utang na P109,831 bawat isa, sanggol man o matanda.

Nasa P5.93 trilyon lamang ang utang ng bansa nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong 2016.

Umasa ang administrasyong Duterte sa pa­ngungutang nang bumagsak ang koleksiyon ng buwis dahil maraming mga negosyo ang nagsara at marami ang nawalan ng trabaho nang magkapandemya.

Noong katapusan ng Disyembre 2020, nasa P9.795 trilyon pa lamang ang utang ng Pilipinas. Bago matapos ang taon, posibleng lampas na ito ng P12 trilyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.